Patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mag napaulat na nasawi sa magkasunod na bagyong tumama sa bansa.
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDDRMC), umakyat na ito sa 154.
Mula sa nabanggit na bilang, 20 ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyo.
Samantala, 134 naman ang mga nasaktan habang mayroon pang 21 ang nawawala.
Umabot na rin sa 2.2 milyon pamilya o katumbas ng 8.8 milyon indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Kristine at Leon.
Nasa halos 200,000 indibidwal parin ang nananatili pa sa mga evacuation centers sa Regions 3, CALABARZON, MIMAROPA, Regions, 5, 6, 7, 8, 9, 12 at NCR.
Facebook Comments