Umabot na sa 386 ang kabuuang bilang ng mga paaralang napinsala ng Bagyong Karding, batay sa huling datos ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, sa nasabing bilang ay 165 dito ang nangangailangan ng nasa 1.17 billion na halaga ng budget para muling maisaayos.
Pero nilinaw ng tagapagsalita na hindi pa ito pinal dahil patuloy pa rin ang isinasagawang inspeksyon ng ahensya para malaman ang kabuuang pinsala ng bagyo sa imprastrakturang pang-edukasyon.
Maaari namang ilipat sa online o blended learning ang klase ng mga estudyante sa mga napinsalang paaralan, o magtayo ng pansamantalang mga silid-aralan.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang DepEd sa mga pribadong sektor at ibang organisasyon para mapag-aralan ang pagtatayo ng mga paaralan na disaster-resilient.