Mga naputukan na dinala sa East Avenue Medical Center, umabot na sa 23

Umakyat na sa 23 ang naisugod sa East Avenue Medical Center sa Quezon City na naputukan sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa mga doktor ng EAMC, ang pinakabatang naputukan na dinala sa naturang pagamutan ay may edad na walo, habang ang pinakamatandang naputukan ng paputok ay 61 anyos na tinamaan sa kanyang katawan ng whistle bomb.

Kabilang sa tinamaan ang isang 27 anyos na inborn na putol ang dalawang kamay residente ng Santa Monica, Quezon City na tinamaan ang kanyang dalawang daliri ng whistle bomb matapos na magpaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.


Karamihan sa mga dinala sa East Avenue Medical Center sa Quezon City ay tinamaan ng Boga, 5-star triangle, kwitis, whistle bomb, piccolo at hindi malamang labintador.

Ang lahat ng mga tinamaan ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon ay pinauwi na rin ng mga doktor makaraang mabigyan ng kaukulang lunas.

Facebook Comments