Mga nararanasang aftershocks kasunod ng malakas na lindol sa Mindanao, posibleng magtagal pa  

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na posibleng magtagal ng ilang Linggo ang nararanasang aftershocks kasunod ng malakas na lindol na tumama sa Mindanao.

Sa huling tala ng PHIVOLCS, higit 340 aftershocks na ang naramdaman sa North Cotabato at ilang bahagi ng Central Mindanao.

Aabot naman sa pito ang namatay, halos 400 na ang nasugatan habang dalawa ang nawawala.


Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, posibleng tuluyang gumuho ang mga napinsala at mahihinang istraktura dahil sa aftershocks.

Pina-iiwas din ang mga nakatira sa landslide-prone areas.

Sa datos ng NDRRMC, aabot na sa 1,681 na pamilya o higit 8,000 indibidwal ang apektado na karamihan ay mula pa sa Region 12.

Nasa 94 Government Schools, 11 Health Facilities at Government Hospitals, pitong Public Structures, isang House of Worship at 20 private at Commercial Establishments ang na-demolish dahil sa lindol sa Western, Northern, Central Mindanao, Davao Region, maging sa BARMM.

Facebook Comments