Mahigpit na tinututukan ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries Vice Chairman at Albay Representative Joey Salceda ang mga aksyon kaugnay sa ‘glitch’ na nangyari sa mobile bank accounts sa ilalim ng BPI.
Giit ni Salceda sa BPI, agad ibalik sakaling meron man na perang nawala sa mga depositors dahil nangyaring double debit transaction incident at hindi sila dapat papirmahin pa ng waivers o quitclaims.
Pinaglalatag din ni Salceda ang BPI ng kongkretong hakbang para matiyak na hindi na mauulit ang insidente.
Pinapatiyak naman ni Salceda na makapagsasagawa ng imbestigasyon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang mabatid ang dahilan ng insidente at matukoy ang kahinaan sa online system ng BPI at ng ating banking system.
Hinggil dito ay pinagsusumite ni Salceda ng report ang BSP sa Kamara.