Mga nararapat na preprasyon para sa face-to-face classes, inilatag ng isang senador

Bilang isang magulang ay suportado ni Senator Nancy Binay ang planong pagpapatupad ng 100 porsyentong face-to-face classes sa Nobyembre.

Pero giit ni Binay sa Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH), gawin ang nararapat na mga prepasyon para maproteksyunan ang kalusugan ng mga guro at mag-aaral.

Pangunahing pinapatiyak ni Binay sa pamahalaan na lahat ng mga guro at school staff ay nabakunahan na laban sa COVID-19 at dapat din ay istriktong susundin ng mga paaralan ang health and safety protocols.


Mungkahi ni Binay sa DOH na habang nasa bakasyon ang mga bata ay madaliin na ang pagbabakuna sa kanila at pagbibigay ng booster shots sa mga edad 12 hanggang 17.

Iginiit din ni Binay ang kahalagahan na may agaran at libreng testing at pagpapagamot para sa mga guro at estudyante na makakaranas ng sintomas ng COVID-19.

Pinapakilos din ni Binay ang mga Local Government Unit (LGU) para tulungan ang DepEd sa pagtukoy sa mga pribado at pampublikong paaralan na 100 porsyentong handa na sa face-to-face classes at sa anumang sitwasyong pangkalusugan.

Facebook Comments