Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na posibleng ipapadala sana sa Australia ang mga narerekober na cocaine bricks sa palutang-lutang sa mga baybayin ng Mindanao at Luzon.
Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – nakikipag-coordinate na sila sa Australian counterpart nito para malaman ang “signature” ng cocaine upang makumpara kung ito rin ba ang kinokonsumo ng mga drug user sa Australia.
Sinabi pa ni Albayalde na napukaw ang kanilang interes nang ihayag ng Australian authorities ang pagkakarekober ng cocaine bricks sa Papua New Guinea nitong Hunyo hanggang Setyembre ng nakaraang taon.
Mula nitong February 10, 200 cocaine bricks na ang narekobers sa baybayin ng Surgiao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Island, Davao Oriental, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur at Aurora.