Mga nasa A1 at A2 priority groups, hinikayat na magpaturok na ng booster shot

Hinihikayat ni Dr. Rontgene Solante isang Infectious Diseases Specialist ang mga nasa A1 at A2 category na magpaturok na rin ng 2nd booster shot.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi nitong mahalagang mabigyan ng 2nd booster dose ang mga medical health workers dahil ang mga ito ay lantad o expose sa virus gayundin ang mga vulnerable sector tulad ng mga nakatatanda.

Maging ang mga immunocompromised individuals ay patuloy na hinihikayat ni Dr. Solante na magpa-booster shot na.


Paliwanag pa nito, importante ang 3rd dose lalo na ngayong mayroon ng local transmission ng BA.2.12.1 para sa karagdagang proteksyon.

Base sa Department of Health (DOH) guidelines, Pfizer at Moderna ang ibibigay na 2nd booster dose sa mga nabanggit na priority groups 4 na buwan matapos nilang makatanggap ng 1st booster shot.

Sa datos ng Health Department, sa higit 68-M mga fully vaccinated nasa 13.6-M pa lamang ang nakatanggap ng first booster shot.

Facebook Comments