Mga nasa hudikatura na madadawit sa kaso ng nawawalang sabungero, iimbestigahan ng Supreme Court

Kinumpirma ng Korte Suprema na nakatanggap sila ng inisyal na impormasyon mula sa Department of Justice kaugnay sa indibidwal na dawit sa kaso ng mga nawawalang sabungero na sinasabing kayang impluwensiyahan ang mga hukom at mahistrado.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, sineseryoso nila ang mga natatanggap na impormasyon at nagsasagawa na sila ngayon ng sariling imbestigasyon.

Sakaling mapapatunayan, tiniyak ng SC na agad itong aaksyunan ng naaayon sa proseso.

Polisiya aniya ng korte na tumanggap at aksyunan ang mga ulat ng korapsyon lalo na kung magmumula ito sa matataas na opisyal gaya ng secretary of justice.

Hinikayat naman ng SC ang publiko na patuloy na magbantay at agad magsumbong sakaling may nalalamang korapsyon sa Hudikatura.

Facebook Comments