Mga nasa likod nang umano’y Revolutionary government movement, pinamo-monitor sa PNP-CIDG

Pinapatukoy na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa sa PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kung sino ang mga indibidwal na nasa likod nang umano’y invitation letter para sa kanya upang dumalo sa pagtitipon na tinatawag na Revolutionary government movement.

Ayon kay Gamboa, hindi niya personal na natanggap ang invitation letter pero nakarating ito sa media at pinamumukhang kabilang siya sa Revolutionary government movement.

Nakasaad sa invitation letter na nagmula ang imbitasyon sa Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NEC) na pirmado nina Bobby Brillante at Atty. Francisco Buan.


Giit ni PNP Chief, ang pamunuan ng PNP ay hindi nakikialam sa mga panawagang Revolutionary government.

Aniya, anumang isyung pampulitika lalo na ngayong may pandemya ay hindi napapanahon.

Kaya naman inutos ni PNP Chief sa CIDG na imbestigahan ang mga nasa likod nito para matukoy kung may basehan na masampahan ng mga kasong kriminal at maaresto.

Facebook Comments