Mga nasa likod ng BI “Pastillas Scam”, sangkot din umano sa pagpuslit ng mga Filipina sa abroad

Tahasang sinabi ni Senator Risa Hontiveros na sangkot din sa pagpupuslit ng mga kababaihan sa abroad ang mga taga-Bureau of Immigration (BI) na nasa likod ng “Pastillas Scam”.

Ibinase ito ni Hontiveros sa mga ebidensya at salaysay ng mga Pinay na biktima ng trafficking sa Syria na lumutang sa pagdinig ng pinamumunuan nyang Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality

Malinaw para kay Hontiveros, na ang mga tiwali sa BI na kumukubra umano ng P10,000 sa bawat Chinese na iligal na pinapapasok sa bansa ay kumikita naman ng 50,000 sa kada Pinay na iligal nilang maipadadala sa ibang bansa tulad sa Syria para maging alipin.


Kaugnay nito ay pinakikilos ni Hontiveros ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Foreign Affairs, Overseas Workers Welfare Administration, Philippine Overseas Employment Administration pati ang mga embahada na tulungan agad ang mga biktimang Filipina na nasasadlak ngayon sa panganib.

Facebook Comments