Mga nasa likod ng fake accounts, dapat panagutin – VP Robredo

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang social media giant, Facebook na gumawa ng legal na hakbang laban sa mga nasa likod ng pekeng accounts.

Ito ay kasabay ng pagtatanggal ng Facebook sa 200 pages, groups at accounts ni Nic Gabunada, social media manager ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila – nararapat lamang na managot sa ilalim ng batas ang mga nagpapalaganap ng pekeng accounts sa social media.


Mababatid na nasa 67 Facebook pages, 68 accounts, 40 groups at 25 Instagram accounts ang tinanggal sa social media flatform.

Base sa Facebook, isinara nila ang mga accounts na ito dahil sa “coordinated” at “inauthentic behavior”.

Facebook Comments