Home Manila DZXL 558 Manila Mga nasa likod ng fake news tungkol sa power crisis, kakasuhan —Malacañang

Mga nasa likod ng fake news tungkol sa power crisis, kakasuhan —Malacañang

0
Mga nasa likod ng fake news tungkol sa power crisis, kakasuhan —Malacañang

Nagbabala ang Malacañang sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay sa sitwasyon ng enerhiya sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez, maaaring managot sa batas ang sinumang mahuhuling nagpapakalat ng “fake news,” lalo na kung ito ay ginagawa online.

Hinimok din ng kalihim ang publiko na umasa lamang sa opisyal at beripikadong impormasyon mula sa pamahalaan at maging maingat sa pagbabahagi sa social media.

Binigyang-diin ni Gomez na hindi papayagan ng gobyerno ang panlilinlang sa publiko, lalo na kung ginagamit ang isyu ng enerhiya para sa pansarili o pampulitikang interes.

Dagdag pa niya, pinaigting na ang pagbabantay sa social media katuwang ang Department of Justice (DOJ) upang matukoy at masampahan ng kaso ang mga lalabag.

Facebook Comments