Mga nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng video ni Pangulong Bongbong Marcos, mananagot sa batas —DOJ

Mariing kinokondena ng Department of Justice (DOJ) ang kumakalat na malisyosong video patungkol kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, mananagot sa batas ang sinumang nagpapakalat ng maling impormasyon sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code lalo na kung maaari nitong malagay sa alanganin ang public order at ang estado.

Layunin lamang aniya ng pekeng video na sirain ang kredibilidad ng presidente lalo na’t itinaon ito sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Hinimok ng DOJ ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng ganitong video na nagdudulot lamang ng kalituhan at pagkakawatak-watak ng mga mamamayan.

Tiniyak naman ng DOJ na gagawa sila ng hakbang upang matukoy ang nasa likod ng mga responsable sa pagpapakalat ng malisyosong video.

Facebook Comments