Hindi tatantanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga nasa likod ng pinakabagong ransomware attack laban sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, nakatutok ang PNP Anti-cybercrime group upang matukoy kung sino-sino ang mga nasa likod ng naturang ransomware attack.
Ani Fajardo, mahaharap sa 20 taong pagkakakulong ang hackers at makakasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 10175 or The Cybercrime Prevention Act of 2012.
Maliban aniya sa kasong criminal, mahaharap din ang hackers sa civil liability.
Una nang nilinaw ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na hindi naman naapektuhan ng nasabing cyber-attack ang database ng PhilHealth members.
Facebook Comments