Mga nasa tinatawag na special populations, posibleng irekomendang maturukan ng booster shots – VEP

42

Tanging ang mga nasa tinatawag na special populations lamang ang irerekomendang turukan ng booster shots ng COVID-19 vaccine.

Ito ang sinabi ni Vaccine Experts Panel Head Dr. Nina Gloriani kasabay ng paggiit na hindi pa ito kailangan sa mayorya ng populasyon.


Kasunod niyan, ipinaliwanag naman ni VEP member Dr. Rontgene Solante na kabilang sa mga nasa special populations ang mga indibidwal na mababa ang resistensiya dahil sa iba’t ibang dahilan.

Una nang nilinaw ng Department of Health na hindi pa inirerekomenda ng mga eksperto ang third dose dahil sa kakulangan ng mga datos.

Facebook Comments