Umapela ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na i-turn over ang mga nasagip na wildlife species mula sa Taal volcano protected landscape.
Ayon kay DENR-Biodiversity Management Bureau (BMB) Head Assistant Environment Secretary Ricardo Calderon, agad ibigay sa DENR field offices sa Batangas at Cavite ang mga sino man nakakuha ng mga hayop na ito.
Aniya, huwag gawing alaga ang mga wild animals at huwag ding katayin bilang pangkain.
Nabatid na mayroong 50 endemic bird species ang naninirahan sa may bulkan.
Una nang nai-turn over sa DENR-BMB ang rufous hornbill o kilala sa ‘kalaw,’ na lumilipad-lipad sa taal.
Facebook Comments