Agad na nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga bayan ng Tagudin, Sta. Lucia, Burgos, Nagbukel, Narvacan, at Sta. Maria matapos ang pananalasa ng bagyong Crising noong Hulyo 20, 2025. Namahagi sila ng family food packs at non-food items sa mga apektadong residente.
Nagbigay rin ng libreng serbisyong medikal at mga gamot ang tanggapan ng Provincial Health Office.
Bukod dito, pinansyal na tulong naman ang ibinigay sa pamilya ng isang nasawi sa Munisipalidad ng Banayoyo dahil sa naturang bagyo.
Patuloy ang pagtutulungan upang matulungan ang mga nasalanta sa muling pagbangon. | ifmnewsdagupan
Facebook Comments









