Mga nasalanta ng Bagyong Karding, unti-unti nang bumabalik sa kanilang tahanan

Nagsisibalikan na ang mga apektadong indibidwal o pamilya ng Bagyong Karding sa kani-kanilang mga tahanan.

Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula sa halos 7,000 indibidwal na nanunuluyan sa mga evacuation centers noong isang linggo, nasa 821 pamilya o 3,000 katao na lamang ito sa ngayon.

Mula parin ang mga bakwit sa Regions 1, 2, 3, 5, CALABARZON, MIMAROPA at Cordillera Administrative Region.


Samantala, lumobo pa sa 299,127 pamilya o 1.72M katao ang naapektuhan ng bagyo.

Nananatili naman sa 12 ang nasawi, 5 ang nawawala at 52 ang nasaktan noong kasagsagan nang pananalasa ni Karding.

Kasunod nito, umaabot na sa halos ₱58M ang tulong ang naipagkaloob ng pamahalaan sa mga biktima ng bagyo.

Facebook Comments