Cauayan City, Isabela- Tumanggap rin ng tulong mula sa Convergence Team ang ilang pamilya na naapektuhan ng nagdaang bagyong Ulysses mula sa Lalawigan ng Isabela at Cagayan sa pangunguna ni Senator Bong Go.
Sa patuloy na pag-iikot ng Convergence Team na binuo ni Senator Bong Go, narating din ng grupo ang Lambak ng Cagayan na kung saan inunang tulungan ang mga taga City of Ilagan sa Lalawigan ng Isabela at Tuguegarao City sa Cagayan.
Ang Convergence Team na binubuo ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at nag-iikot sa buong Pilipinas ay naghahatid ng tulong tulad ng pangkalusugan, pangpinansyal, pangkabuhayan at mga essential na pangangailangan lalo na sa mga komyunidad, pamilya at mga indibiduwal na apektado ng sakuna at pananalanta at pagbaha dulot ng bagyo at malakas na pag-ulan.
Dumalo naman ang ilan sa mga Assistant Secretaries ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno upang ipag-bigay alam ang kanilang mga programa.
Kaugnay nito, agad na nagtungo sa Tuguegarao City ang Convergence Team upang hatiran din ng tulong ang mga pamilyang tinamaan ng malawakang pagbaha sa Cagayan.