Mga nasalanta ng kalamidad, inalayan ng panalangin sa National Prayer Breakfast sa Malacañang

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ika-49 na National Prayer Breakfast ngayong araw.

Sa kaniyang mensahe sa pagtitipon ngayong araw, sinabi ng Pangulo na napapanahon ang ginawang prayer breakfast kanina sa Malacañang lalo’t humaharap sa sunod-sunod na kalamidad ang Pilipinas at nagpapahirap sa marami nating mga kababayan.

Ayon sa Pangulo, ang ganitong pagtitipon ay may kasamang panalangin ay mahalaga at kailangan ng Pilipinas ngayon.


Ang pananampalataya at panalangin aniya sa Diyos ang masasandalan sa panahon ng pangangailangan at pagkawasak sa maraming ari-arian.

Kaugnay nito, tiniyak ng Pangulo na nagpapatuloy ang rebuilding efforts ng gobyerno at susuyurin aniya ng pamahalaan ang mga liblib na lugar para maihatid ang tulong.

Facebook Comments