Maari nang makabalik sa kani-kanilang tahanan ang mga bakwit na pina-alis sa mga lugar na ikinonsiderang “high risk” kasunod ng mga naranasang lindol sa North Cotabato
Ito’y ayon na rin sa naging pahayag ni North Cotabato Governor Nancy Catamco base na rin sa naging direktiba ni Mines and Geosciences Bureau (MGB)-12 Chief Melvin Sebua sa ginanap na inter-agency and sectoral consultation noong Biyernes.
Ang naturang pulong na pinangasiwaan ni Gov. Catamco ay naglalayong pag-isahin ang lahat ng mga pagsisikap ng mga apektadong munisipyo at concerned agencies sa pagtulong sa mga biktima ng lindol sa lalawigan.
Inilatag na rin ang mga inisyatiba at programa para sa muling pagbangon ng mga naapektuhan ng lindol.
Samantala, pinawi naman ngi Hermes Daquipa ng Philippine Institue of Volcanolgy and Seismology ang haka haka na maaring sumabog anu mang oras ang Mt. Apo. Bagaman aktibo nga aniya ang bulkan wala naman itong magma.
Bumama na rin ang bilang ng mga naitatalang aftershocks.(Daisy Mangod)
North Cot PGO Pic