Mga Nasamsam na Matataas na Kalibre ng Armas sa Isang Kapitan, Koleksyon Lamang Umano!

*Cauayan City, Isabela- *Koleksyon lamang umano ng nahuling Baragangy Kapitan na si Reynaldo Hope ng Brgy. Gud, San Isidro, Isabela ang mga nasamsam ng mga otoridad na matataas na kalibre ng baril at bala sa loob ng kanyang bahay.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Police Lt. Col Arthuro Marcelino, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Isabela, pagmamay-ari lahat ni Hope ang kanilang nakumpiska nang kanilang isilbi ang Search Warrant sa kanyang tahanan katuwang ang 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company at ng PNP San Isidro kahapon ng umaga.

Ayon kay P/LtCol Marcelino, hinuli si Hope matapos mabigong magpakita ng anumang kaukulang papeles sa kanyang mga armas.


Sa ngayon ay nasa pag-iingat pa rin ng CIDG-Isabela ang Kapitan at nakatakda itong isailalim sa inquest proceedings sa Lunes kung saan nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Samantala, giit pa ni P/LtCol Marcelino na bukas lamang anya ang kanilang tanggapan sa mga nangangailangan at pagbibigay ng tulong lalo na ngayong nalalapit na halalan.

Facebook Comments