Mga nasamsam na overpriced na PPEs pinoproseso na ng BOC para maidonate agad sa mga medical frontliners

Isinasa pinal na ng Bureau of Customs (BOC), Dept of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga plano para mapabilis ang proseso ng forfeiture o pagsamsam ng mga overpriced items na mga personal protective equipment.

Sinabi ni BOC Assistant Commissioner Vincent Maronilla sa laging handa public press briefing na nakikipag koordinasyon na sila sa DOJ at nbi hinggil dito para agad na maidonate ang mga ppes sa mga health workers.

Samantala, sinabi ni Maronilla na nitong Marso a bente nuebe, nakapag proseso ang BOC ng 2,865 na shipments ng PPEs, emergency medical supplies at equipment.


Patuloy din aniya nilang inuunang iproseso ang essential goods tulad ng pagkain at gamot.

Para sa mga darating pang shipments, sinabi ni maronilla na nakikipag koordinasyon na sila sa Department of Agriculture (DA) at food and drugs administration paras sa mabilis na pag-proseso.

Samantala, dahil 24 oras ang operasyon ngayon ng enforcement at intelligence units ng BOC, tiniyak ni maronilla na mabibigyan sila ng overtime pay.

Facebook Comments