Umabot na sa 111 indibidwal ang nasawi dahil sa pagkalunod ngayong bakasyon.
Ang impormasyon ay base sa datos ng Philippine National Police (PNP) mula April 1 hanggang May 8 mula ng ipatupad ang Oplan Summer Vacation.
Samantala, sinabi pa ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo na sa kabuuan ay mayroon silang naitalang 161 na insidente ngayong bakasyon kung saan kabilang dito ang vehicular accidents, crimes against person and property, physical injury at iba pa.
Una nang nagpakalat ang PNP ng 6,000 tourist police sa iba’t ibang pangunahing tourist destinations sa buong bansa tulad ng Boracay, Palawan, Siargao at iba pa.
Kasama rin sa deployment ng mga pulis ang mga pangunahing lansangan at transportation hubs para umalalay sa mga biyahero.
Facebook Comments