Mga nasawi dahil sa bagyo, tumaas pa

Nadagdagan pa ang bilang ng mga napaulat na nasawi sa mga nagdaang bagyo at ng habagat.

Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Managament Council (NDRRMC), umakyat pa sa 26 ang nasawi dahil sa sama ng panahon.

Apat ang kumpirmadong namatay mula sa MIMAROPA habang for validation pa ang 22.


15 naman ang iniwang sugatan habang tatlo pa ang nawawala.

Samantala, halos 15,000 pang indibidwal o katumbas ng 3,484 pamilya ang nananatili pa sa mga evacuations centers partikular sa MIMAROPA, Regions 3, 6, 7, 9, 11, at 12.

Facebook Comments