Mga nasawi dahil sa Bagyong Paeng, sumampa na sa 72

Sumampa na 72 ang bilang ng mga napulat na nasawi dahil sa Bagyong Paeng.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, 67 ang galing sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM,) 3 ang galing sa Region 12 at 2 ang galing sa Region 6.

Samantala, sinabi rin ng NDRRMC na may naitala silang 33 na nasaktan dahil sa bagyo.


31 dito ang galing sa BARMM at 2 naman ang galing sa Region 12.

Mayroon namang 14 na napaulat na nawawala kung saan 11 ang nawawala sa BARMM at 3 naman ang mula sa Region 12.

Facebook Comments