Mga nasawi dahil sa “killer lambanog” sa Laguna at Quezon umakyat na sa 22

Sumampa na sa 22 ang nasawi sa pagkalason matapos uminom ng lambanog sa lalawigan ng Laguna at Quezon.

Ang huling biktima ay isang 46-anyos na lalaki mula Quezon matapos uminom ng lambanog nitong umaga ng December 23.

Sa sumunod na araw, nakaranas na ang biktima ng pananakit ng tiyan at ulo bago nawalan ng malay.


Binawian ng buhay ang huling biktima sa mismong araw ng Pasko dahil sa methanol toxicity.

Lumalabas na nabili rin ng mga biktima ang lambanog sa Rey’s Lambanog Store sa Candelaria, Quezon.

Una nang iginiit ng may-ari ng tindahan na ang kanilang produkto ay ligtas at sinabotahe ang kanilang negosyo.

Dahil dito, nanawagan si Health Sec. Francisco Duque III sa publiko na bawasan o maghinay-hinay, at mapanuri sa mga iniinom.

Facebook Comments