Mga nasawi dahil sa pag-ulan at pagbaha sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, pumalo na sa 45

Muling nadagdagan ang bilang ng mga nasawi dahil sa malakas na ulan at baha na dulot ng shearline, Low Pressure Area (LPA) at Northeast Monsoon, sa iba’t ibang rehiyon ng bansa simula Enero a-2.

Sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 20 sa mga iniulat na nasawi ang kumpirmado at 25 naman ang for verification pa.

Nakapagtala din ng 11 sugatan at 7 naman ang nawawala.


Sa nasabing bilang: 15 mula sa Region 5, 12 sa Region 9, 8 mula sa Region 10, 7 sa Region 8; tig-iisa mula sa MIMAROPA, Region 11 at 12.

Samantala, nasa mahigit 519,000 pamilya o katumbas ng mahigit 2.1 milyong indibidwal ang apektado sa Regions 2, 3, MIMAROPA, CALABARZON, Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12 at BARMM.

Facebook Comments