Mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine, patuloy na nadadagdagan

Sumampa pa sa 145 ang bilang ng mga napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 14 sa napaulat na casualties ang validated, naitala rin ang 115 na sugatan at 37 ang nawawala.

Samantala, higit 1.7 milyon pamilya o katumbas ng mahigit 7.1 milyon indibidwal ang apektado ng bagyo mula sa 10,948 na mga barangay sa Region 1 (Ilocos Region) Region 2 (Cagayan Valley), Region 3 (Central Luzon) CALABARZON, MIMAROPA, Region 5 (Bicol) Region 6 (Western Visayas) Region 7 (Central Visayas) Region 8 (Eastern Visayas) Region 9 (Zamboanga Peninsula) Region 10 (Northern Mindanao) Region 12 (SOCCSKSARGEN) CARAGA, BARMM, CAR at NCR.


Sa nasabing bilang mahigit 300,000 indibidwal pa rin ang pansamantalang nanunuluyan sa iba’t ibang evacuation centers sa bansa.

Sa ngayon, tumaas pa sa 206 na syudad at munisipalidad ang nasa ilalim ng State of Calamity.

Kaugnay nito, nasa ₱850 milyon na ang halaga ng tulong na naipagkakaloob ng pamahalaan sa mga apektadong residente na kinabibilangan ng family food packs, damit, gamot at maraming iba pa.

Facebook Comments