Lumobo pa sa 12 ang bilang ng mga napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Nika, Ofel at Pepito.
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pito sa mga nasawi ay mula sa Cagayan, tatlo ay mula sa Central Luzon at dalawa mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa kabuuang bilang, lima na ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyo.
Tatlo ay mula sa Region 3 at dalawa mula sa CAR.
Mayroon ding 16 na nasaktan habang apat pa ang nawawala.
Samantala, nadagdagan din ang bilang ng mga lugar na nasa state of calamity.
Ayon sa NDRRMC, 29 mga syudad at munisipalidad sa Luzon ang nasa ilalim na ngayon sa state of calamity kung saan 12 dito ay sa CAR, siyam sa Cagayan Valley at walo naman sa Central Luzon.