Mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette, sumampa na sa 378 – NDRRMC

225

Umakyat pa ang bilang ng mga namatay dahil sa bagyong odette.

batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula sa 367 ay pumalo na ito ngayon sa 378 indibidwal na nasawi.

Sa nasabing bilang, 218 ang hindi pa nakikilala, habang 92 ang kalalakihan at 68 ang kababaihan.


Ayon sa NDRRMC, 54 pa lamang sa mga ito ang nakumpirma at 324 naman ang sumasailalim pa rin sa beripikasyon.

Samantala, 742 katao naman ang nasaktan dahil sa pananalasa ng bagyo habang 60 ang naitalang nawawala pa rin pero 10 lamang dito ang kumpirmado.

Sa kabuuan, 3 million, 953 thousand, 880 indibidwal o katumbas ng 1,012,997 pamilya ang mga naapektuhan ng bagyo sa 10 rehiyon sa bansa.



Facebook Comments