Mga nasawi dahil sa sama ng panahon dulot ng pinagsamang LPA, northeast monsoon at shearline, nadagdagan pa

Nadagdagan muli ang bilang ng mga nasawi bunsod nang naranasang sama ng panahon.

Sa pinaka huling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, 15 na ang kumpirmado at 14 ang for verification pa.

Sa nasabing bilang 8 mula sa Region 9, 7 sa Regions 8 at Region 10, 5 ang mula sa Region 5 at tig-isa sa Region 11 at 12.


Mayroon ding 4 na napaulat na nawawala at 12 nasaktan.

Sa ngayon, umaabot na sa 347,382 pamilya o katumbas ng mahigit 1.3-M indibidwal ang naapektuhan mula sa 1,956 na mga brgys. mula sa Regions 2, 3, MIMAROPA, CALABARZON, Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12 at BARMM.

Facebook Comments