Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, lomobo pa sa 44

Sumampa na sa 44 na mga indibidwal ang napaulat na nasawi sa masamang panahon dulot ng naranasang shearline sa ilang rehiyon sa bansa.

Ito’y batay sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga.

Sa mga napaulat na nasawi 13 ang kumpirmado habang yung nalalabing 31 ay for validation pa.


Sa nasabing bilang, 24 ang galing sa Region 10, anim sa Region 5, apat sa Region 9 at tatlo sa Region 8 at CARAGA

Maliban dito, mayroon ding 28 na napaulat na nawawala at 12 nasaktan.

Samantala, sinabi rin ng NDRRMC na 131,028 na mga pamilya o katumbas ng mahigit 509,000 mga indibidwal ang naapektuhan ng sama ng panahon sa MIMAROPA, Region 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11 at CARAGA at BARMM.

Facebook Comments