Mga nasawi dahil sa stroke noong 2020, humigit sa 99,000

179

Umabot na sa 99,700 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa stroke noong 2020.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ilan sa mga sakit na dahilan ng pagkamatay ng maraming Pilipino ay ang heart attack, cancer, diabetes, chronic lung disease, at stroke na tinatawag na non-communicable diseases.


Sinabi naman ng National Stroke Association na maiiwasan ang ganitong sakit sa pamamagitan ng tamang gamot kung regular ang medical check-up at pagkakaroon ng healthy lifestyle at pag-eehersisyo.

Hinihikayat rin ng mga eksperto ang publiko na pagtuunang pansin ang iba pang mga sakit maliban sa COVID-19.

Facebook Comments