Mga nasawi dahil sa volcano eruption, umabot na sa 3

144

Umabot na sa tatlo ang nasawi habang nananatili sa evacuation center kasunod ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.


Kinilala ang biktimang evacuee na si Felina de Roxas, 57-anyos at naninirahan sa San Pascual, Batangas.

Base sa ulat, naglalaba lamang si Felina sa loob ng evacuation center nang bigla na lang itong atakihin sa puso.

Dahil dito, agad na isinugod sa pagamutan ang biktima pero bigo nang maisalba ang kanyang buhay.

Unang pumanaw noong Martes sina Ma. Teresita Valienye, nakatira sa Talisay, Batangas matapos magkaroon ng acute myocardial infraction at si Danilo Toledo na residente naman ng Taal, Batangas na nasawi rin dahil sa cardiac arrest.

Facebook Comments