Manila, Philippines – Kinilala ng Palasyo ng Malacanang angkabayanihan ng mga sundalo at pulis na nasawi sa bakbakan kahapon sa inabangabohol sa pagitan ng pinaghihinalaang grupo ng Abu Sayyaf.
Ayon kay Presidential Spokesma Ernesto Abella, tunay nabayani ang tatlong sundalo kabilang na ang isang opisyal at isang pulis nanagbigay ng kanilang buhay sa ngalan ng pagsunod sa kanilang mandato naprotektahan at paglingkuran ang sambayanang.
Tiniyak din ni Abella na matatanggap ng mga naiwangpamilya ang mga benepisyong dapat nilang makuha mula sa gobyerno.
Kasabay nito ay pinawi din ng Malacanang ang pangamba ngpubliko sa pagsasabing kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon at ginagawa ng gobyernoaang lahat upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan.
Hinikayat din ni Abella ang publiko na manatiling kalmadoat mapagmatiyag at agad na isumbong sa otoridad ang anomang impormasyong maykaugnayan sa banta sa seguridad.
Kinilala din naman ng Malacanang ang mabilis na pagaksyonng AFP at PNP sa sitwasyon at ang mabilis na pagtulog ng lokal na pamahalaan atng taumbayan.
Mga nasawi sa bakbakan sa Bohol mga bayani, benepisyong dapat matanggap tiniyak ng Palasyo
Facebook Comments