Umaasa si Senator Win Gatchalian na gagamitin ng publiko itong semestral break at ilang araw na holiday dahil sa undas para magpahinga at makipag-bonding sa mga mahal sa buhay.
Binilinan din ni Gatchalian ang lahat lalo na ang mga mag-tutungo sa sementeryo na mag-ingat.
Sabi naman ni Senator Kiko Pangilinan, sa panahon ng undas ay maraming kinakatakutan tulad ng aswang, engkanto o ma-ghosting.
Pero payo ni Pangilinan, mas dapat katakutan ang idudulot ng hindi maayos na pag-tatapon o pag-recycle ng basura.
Ayon kay Pangilinan, naka-katakot isipin na darating ang araw na maliligo na tayo sa dagat ng mga plastik at iba pang uri ng basura.
Sa panahon ng Todos Los Santos ay ang iniiwang tambak din ng basura ang nagiging problema sa mga sementeryo.
Una rito ay pinayuhan naman ni Senator Imee Marcos ang mga mamimili na maging mapanuri at piliing mabuti kung ang binibiling mga kandila na gagamtin ngayong undas ay hindi peke o mahinang klase.