Mga nasawi sa madugong head on collision sa South Cotabato pumalo na sa lima

[image: IFM 919 Logo (1).jpg]
Pumalo na sa lima ang naitalang binawian ng buhay sa madugong head on collision ng dalawang sasakyan sa Crossing Palkan munisipyo ng Polomolok South Cotabato.

Matapos bawian ng buhay ang drayber ng UV Express Van na si Lilito Gabao at ang isa sa mga pasahero na si Judiepe Uynama na parehong namatay habang ginagamot sa ospital.

Una rito binawian ng buhay ang magpamilyang Anciano na sina Frederick, Joy at 9 anyos nilang panganay na anak na si Justine.


Dahil sa pangyayari nais umapela ng Polomolok Chief of Police Superintendent Samuel Cadungon sa mga motorista ng ibayong pagiingat kasunod ng vehicular crash.

Kinasasangkotan ito ng Mitsubishi L-300 van na pagaari ng Dominican Sisters ng Notre Dame Siena College of Polomolok at pampasaherong van.

Nagkasalpukan ang dalawang sasakyan nang mawalan ng control ang driver ng pampasaherong van nang mag-overtake sa sinusudnang sasakyan sa Crossing Palkan, Polomolok.

Dahil sa lakas ng impact parang latang nayupi ang dalawang mga sasakyan.

Nasa pagamutan naman ng Koronadal at General Santos ang ibang sugatang sakay ng dalawang sasakyan.

Facebook Comments