
Nadagdagan pa ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 sa may bahagi ng Basilan noong Enero.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), dalawang labi ng mga pasahero ang narekober ngayong araw sa isinagawang technical diving operations.
Dahil dito, umakyat na sa 64 ang kabuuang nasawi sa trahedya habang nananatili sa 293 ang survivors at 15 naman ang patuloy na nawawala.
Ang naturang bilang ay mula pa rin sa pinagsama-samang datos mula sa Philippine National Police-Scene of the Crime Operation (PNP-SOCO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Coast Guard District Southwestern Mindanao at mga pamilyang apektado ng trahedya.
Facebook Comments










