Mga nasawi sa pamamaril sa Ateneo, kinilala na ng QCPD

1301

Kinilala na ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga nasawing biktima sa nangyaring pamamaril sa loob ng Ateneo de Manila University.

Ayon kay QCPD District Director PBGen. Remus Medina, ang isa nasawi ay nakilalang si Rose Furigay na dating alkalde ng Lamitan City sa Basilan.

Kabilang din sa namatay ang executive asisstant ni Furigay na si Victor Capistrano at isang guwardiya ng Ateneo Univeristy na nagbabantay sa Gate-3.


Dagdag pa ni Medina, ang suspek ay isa rin residente mg Lamitan City sa Basilan na kinilalang si Chao Tiao Yumul na kasalukuyang nananatili sa isang medical facility matapos masugatan sa insidente.

Sugatan naman ang anak ng dating alkalde na si Hannah Furigay na isa sa mga magtatapos sa Ateneo Law School.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng QCPD sa nangyaring pamamaril habang inaalam na rin nila kung paano nakapasok sa loob ng unibersidad ang suspek.



Facebook Comments