Mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Paeng, nadagdagan pa

Umaabot na sa 160 ang napaulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong Paeng.

Sa datos National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamarami sa napaulat na nasawi ay galing sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na 64.

37 ang galing sa Region 6; 33 mula sa Calabarzon; lima sa Region 8; tig-apat sa Region 9 at Region 12; tig-tatlo sa Region 2 at MIMAROPA; tig-dalawa sa Region 3, Region 5 at Region 7 at isa mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).


Sa nasabing bilang, 132 ang kumpirmadong nasawi na may kinalaman sa bagyo habang ang 28 ay beneberipika pa.

Maliban dito, may napaulat din na 146 nasaktan at napaulat na 29 nawawala dahil sa Bagyong Paeng.

Facebook Comments