Mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Paeng, patuloy na nadadagdagan

Lomobo pa sa 159 ang napaulat na nasawi sa pananalsa ng Bagyong Paeng.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga pinakamarami sa napaulat na nasawi ay galing sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) na 64.

36 ang galing sa Region 6.
33 mula sa CALABARZON.
5 galing sa Region 8.
4 galing sa Region 9 at Region 12.
3 galing sa Region 2 at MIMAROPA.
2 mula sa Region 3, Region 5 at Region 7.
1 mula sa CAR.


Sa nasabing bilang, 124 ang kumpirmadong nasawi na may kinalaman sa bagyo habang ang 35 ay for validation pa.

Maliban dito, may napaulat din na 147 nasaktan at napaulat na 30 nawawala dahil sa Bagyong Paeng.

Facebook Comments