Mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Ulysses, umabot na sa 13 ayon sa PNP

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na umakyat na 13 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Batay sa consolidated partial report ng PNP Public Information Office, anim ang naiulat na patay ng Region 2, tig-dalawa National Capital Region at Region 5 at tig-isa sa Region 3, Region 4A at Cordillera Region.

Samantala, 20 naman ang iniulat na sugatan kung saan 8 ay sa Region 5, pito sa Region 4A at lima sa Region 3.


Sa ulat pa ng PNP, 15 ang nawawala, 10 sa Region 2, apat sa Region 5 at isa sa Region 4A.

7,897 indibidwal naman ang kabuuang bilang na nailigtas ng mga tauhan ng PNP.

Sa ngayon, nasa 5,807 PNP personnel ang aktibong nagsasagawa ng search and rescue operations habang 1,086 ang naka-deploy sa iba’t ibang evacuation centers para maghatid ng tulong at magbigay ng seguridad sa mga biktima ng kalamidad.

Facebook Comments