Mga nasawi sa U.S. dahil sa COVID-19, pumalo na sa 22,000; Italy, naitala ang pinaka-mababang bilang ng nasawi sa loob ng magdamag

Nahigitan na ng Estados Unidos ang bansang Italy sa bilang ng mga nasawi dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa ngayon, nasa halos 555,000 na ang confirmed cases sa Amerika kung saan 22,000 naman dito ang naitalang COVID-19 related deaths.

Pinaka-matindi dito na tinamaan ang State ng New York na mayroon na ngayong nasa higit 100,000 kaso.


Samantala, mula noong March 19 ay naitala kahapon ng Italy ang kanilang pinaka-mababang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa loob ng magdamag at pumalo lamang ito sa 431.

Sa kabuuan ay nasa higit 1,844,000 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 habang 114,000 naman dito ang nasawi sa buong mundo.

Facebook Comments