Mga nasawing biktima sa Reosrts World Manila incident, nakatakdang bisitahin ng Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasawing biktima sa nangyaring insidente sa Resorts World Manila.

Sa report – wala pang eksasktong oras kung kailan ito dadalaw ngayong araw.

Hindi pa rin malinaw kung ilan sa 37 biktima ang dadalawin ng Pangulo.


Samantala – kinumpirma ng Southern Police District na may hawak na silang isang ‘person of interest’ sa pag-atake.

Sa interview ng RMN kay SPD Chief Supt. Tomas Apolinario – nahanap nila ito sa pamamagitan ng resibo at rehistro ng sasakyan na ginamit ng gunman sa pagpunta sa resort-casino.

Bukas din anya ang pamunuan ng hotel na makipagtulungan sa kanilang imbestigasyon.
DZXL558

Facebook Comments