Mga nasayang AstraZeneca vaccines, iimbestigahan na ng DOH

Sisilipin na ng Department of Health (DOH) ang mga ulat na libu-libong COVID-19 vaccines ang nasayang dahil lamang sa problema sa freezer habang ibinabiyahe ito patungong Bicol.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may isinasagawa ng imbestigasyong ukol dito.

Wala pa silang iba pang detalye hinggil sa higit 7,000 doses na nasayang.


Sa hiwalay na statement, sinabi ng DOH na sira ang temperature device pero ang mga bakuna ay nananatiling nasa “usable condition.”

Facebook Comments