Mga naselyuhang business deals sa state visit ni Pangulong Marcos sa Indonesia, magbibigay ng 7,000 bagong trabaho sa mga Pilipino

Inaasahang lilikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino ang mga naselyuhang Memorandum of Understanding (MOU) at Letters of Intent (LOI) na napirmahan sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga business leaders sa kaniyang state visit sa Indonesia.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, tinatayang nasa 7,000 trabaho ang mabubuksan sa sandaling masimulan na ang mga kasunduang ito.

Kabilang sa mga naselyuhang kasunduan ay ang $822 million na pamumuhunan sa textile, garment, renewable energy, satellite gateway, wire global techonology, at agrifood.


Nasa $7 billion naman ang para sa sektor ng imprastraktura sa ilalim ng private-public partnerships (PPP), kung saan kabilang ang C5 elevated expressway project, habang mayroon ding $662 million na trade value para supply ng uling at fertilizer.

Facebook Comments