Mga naserbisyuhan ng MRT-3 noong 2022, dumoble ang bilang

Nadoble ang dami ng pasaherong naserbisyuhan ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) noong 2022.

Batay as datos ng MRT-3, naserbisyuhan nito ang kabuuang 98,330,683 passengers noong nakaraang taon.

 

Ang naitalang bilang ay mas mataas sa 45,691,914 total ridership noong 2021 at 31,887,174 noong 2020.


Ang average daily ridership nito ay tumaas ng mahigit 100 percent.

Samantala, halos ilang ulit din nagpatupad ang MRT-3 ng libreng sakay.

Una ay noong nakumpleto ang rehabilitasyon sa rail line, kung saan tumagal ito ng tatlong buwan.

Ang libreng sakay ay layon na matulungan ang mga pasahero na maka-a-agapay sa sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng langis dahil sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Facebook Comments