Walang ibang dapat sisihin sa pagkawala ng trabaho ng ilang tauhan ng Bureau of Customs (BOC) kundi ang mga sarili nila.
Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos niyang pangalanan ang mga Customs personnel na sinibak ng Office of the Ombusman dahil sa mga paglabag tulad ng gross neglect of duty, misconduct at dishonesty.
Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na nararapat lamang sa kanila na masibak dahil sa pagkakasangkot nila sa korapsyon.
Bukod dito, binanggit din ng Pangulo ang iba pang tauhan ng Customs na nasuspinde at iba pang iniimbestigahan ng Ombudsman.
Nangako ang Pangulo na wala siyang sasantuhin sa kanyang kampanya laban sa korapsyon.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa Department of Justice (DOJ) ang malawakang imbestigasyon hinggil sa mga korapsyon sa gobyerno.